Usap-usapan sa mundo ng social media ang ginawa ng social media personality na si "Otlum" sa kapwa social media personality na si "Diwata."

Matatandaang si Diwata ang nag-viral na nabugbog noong 2016 matapos sitahin ang mga kaibigang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at nagsasagawa pa ng pot session sa ilalim ng isang tulay sa Pasay City.

Sa ngayon ay matagumpay na si Diwata dahil bukod sa pagiging influencer, patok na rin ang kaniyang "Diwata Pares Overload" o paresan. Sinimulan daw niya ito noong panahon ng pandemya matapos mawalan ng trabaho.

Si Otlum naman ang nag-viral matapos kunin ang cellphone ng isang sari-sari store owner sa Maynila na kitang-kita sa CCTV footage at bumagsak sa piitan; katwiran niya, hindi naman daw siya nagnakaw dahil nakita raw niya ang cellphone kaya dinampot ito.

House quad-comm, nagmungkahing kasuhan sina ex-Pres. Duterte, atbp.

MAKI-BALITA: TikToker na si Otlum, naispatang nagnenok ng CP; depensa, umani ng reaksiyon sa mga netizen

Mabalik sa nangyari kina Diwata at Otlum, hinikayat daw ni Diwata si Otlum na mamasukan sa kaniyang pares at pasukin na rin ang vlogging. Binigyan pa niya ito ng sariling cellphone.

Ngunit nang makuha na nito ang CP, saglit daw na nagpaalam si Otlum at uuwi lang daw sa bahay upang may kuning gamit.

Sa kasamaang-palad, hindi na raw bumalik si Otlum sa kaniya at nasa kaniya rin ang cellphone na ibinigay.

"BINIGYAN KO NG PAGKAKATAON SI OTLUM PARA BAGUHIN ANG SARILI KASO AYAW NIYA," ani Diwata.

Samantala, sa isinagawang live naman ni Otlum, sinabi niyang nagpapasalamat siya kay Diwata sa pagiging generous nito sa kaniya. Matagal na raw silang magkaibigan at hindi magkaaway. Ang dahilan daw kung bakit hindi na siya bumalik ay dahil sa kaniyang health condition. Mainit daw ang lugar kaya naisip niya na baka makaapekto sa kaniyang kalusugan kung magtatrabaho siya sa paresan ni Diwata. Sumasailalim daw siya sa dialysis dahil iisa na lang ang kaniyang kidney.

Kung inaakala raw ni Diwata na kinalimutan na niya ang ginawa nito sa kaniya, doon daw siya nagkakamali dahil hindi raw siya ganoong klaseng tao.