Isang lalaki ang patay nang barilin ng kanyang nakaalitang kapitbahay na kanyang ipina-barangay sa Rodriguez, Rizal nitong Lunes ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Rommel Cartabon, nangungupahan sa isang silid sa Don Nemensia St., Litex Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Samantala, tinutugis na ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek na si alyas Joey dela Cruz, kapitbahay ng biktima, na mahaharap sa kasong pagpatay sa piskalya.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng inuupahang kuwarto ng biktima.

Tinawag na lutang, lugaw, madumb: Leni 'di minura at nagbantang ipapatay si Digong

Kasalukuyan na umanong nasa loob ng kanyang silid ang biktima nang bigla na lang sumulpot ang suspek mula sa likurang bintana at binaril siya gamit ang sumpak.

Nang matiyak na napuruhan ang target, tumakas ang suspek.

Ayon sa pulisya, kabilang sa motibong tinitingnan nila sa krimen ay ang naging alitan ng magkapitbahay, na nauwi sa pagpapa-barangay ng biktima sa suspek.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso