Nilinaw ni dating Senador Kiko Pangilinan na hindi pa buo ang kaniyang desisyon ng pagtakbo bilang senador sa 2025 midterm elections.
Ito ay matapos ihayag kamakailan ni dating Senador at Liberal Party Spokesperson Leila de Lima na sigurado na umanong kakandidato sa Senado sa ilalim ng kanilang partido si Pangilinan, kasama sina dating Senador Bam Aquino at human rights lawyer Chel Diokno, habang kinukumbinsi raw nila si dating Vice President Leni Robredo para manguna sa slate.
Sa isang panayam ng programang “Sa Totoo Lang” ng One PH, sinabi ni Pangilinan na pinag-aaralan para raw niya kung tatakbo siya sa Senado.
“We clarify that with Senator Leila. Ang sa atin, we haven’t really decided with finality,” ani Pangilinan.
“We are weighing it. Pinag-aaralan natin nang husto. It is an option,” dagdag pa niya.
Si Pangilinan ay nagsilbi bilang senador mula 2001 hanggang 2013, at mula 2016 hanggang 2022.
Tumakbo naman siya bilang bise presidente noong 2022 national elections, kung saan ka-tandem niya si Robredo na kumandidato naman bilang pangulo ng bansa.