Gusto raw magkaroon ng sariling pangalan ng anak ni Vhong Navarro na si Yce Navarro sa larangan ng pag-arte lalo na ngayong bahagi na siya ng “FPJ’s Batang Quiapo.” 

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, Pebrero 26, ibinahagi ni Yce ang hirap na pinagdaanan bago makapasok sa nasabing teleserye.

“I wanted to do this for a long time. Kasi three years ago, four years ago, I’ve been auditioning in other stations to get me, but every time I get rejected. Kaya thankful ako kay Direk Coco for giving me an opportunity,” saad ni Yce.

Pero sa kabila ng mga kabiguang ito, mas pinili raw ni Yce na huwag sabihin sa magulang ang tungkol sa bagay na ito dahil ayaw niyang humingi ng tulong.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“As much as possible, ayoko pong gumamit ng connections. 'Cause I want to make a name for myself. Gusto ko patunayan, e. Acting is my passion talaga,” palwanag niya.

Dahil dito, muntik na raw isuko ni Yce ang kaniyang pangarap na maging bahagi ng showbiz industry. Kukuha na lang daw siya ng stable job tutal ay nakapagtapos naman siya ng Communication Arts sa University of Santo Tomas.

Pero isang araw, dumating ang balita mula sa kaniyang ama na makakasama raw siya sa “Batang Quiapo.” Hindi makapaniwala si Yce. In fact, akala raw niya ay binibiro lang siya ni Vhong.

Bagama’t hindi sumailalim sa audition, nakita naman daw ng lead actor ng nasabing teleserye na si Coco Martin ang performance ni Yce sa isang workshop recital ng Star Magic na dinaluhan niya. 

“Feeling ko nakita po ni Direk Coco 'yong acting ko before. Kasi nag-Star Magic Workshop po ako before, tapos I portrayed his character in ‘Sa’Yo Lamang’ so last scene po kasi namin, para recital po exactly. So feeling ko po nakuha ko dahil doon,” aniya.

Matatandaang umani ng mga negatibong komento si Yce simula nang ilabas ang 1st anniversary trailer ng “Batang Quaipo.”

MAKI-BALITA: ‘Hindi raw kagwapuhan:’ Anak ni Vhong sa ‘Batang Quiapo,’ binakbakan