Ispluk ni Dennis Padilla na hindi pa raw siya kinakausap ni Gerald Anderson, jowa ng anak niyang si Julia Barretto, nang personal—bagay na ginawa raw noon ng ex-jowa ng anak na si Joshua Garcia.

Sa panayam ng &t=10s">ABS-CBN News kay Dennis kamakailan, naitanong sa kaniya kung sakaling may mangyayaring kasalan dapat daw bang magpaalam si Gerald sa kaniya.

"One time nakasama ni Gerald si Andrew. Sabi ni Andrew sa kaniya, 'Ge, you talk to your Tito Dennis.' Sabi niya, 'yes. I will find a way to talk to Tito Dennis.' Hindi nangyari," kwento ng actor-comedian.

Dagdag pa niya, kinausap din daw ng kapatid niyang si Gene Padilla si Gerald matapos ang isang celebrity basketball na ginanap sa General Santos City noon daw 2021.

'Gusto raw makausap bilang tatay ni Julia!' Dennis, masama-loob kay Gerald

"Sabi niya [Gene], 'nandoon sa hotel Tito Dennis mo. After ng game mo kung wala kang gagawin try to go there para magkausap kayo,'"

Pero hindi rin daw sila nagkausap ni Gerald no'ng time na 'yon.

Bigla ring nabanggit ni Dennis sa naturang panayam na kinausap daw siya ni Joshua Garcia noon.

"Joshua Garcia did that to me. He talked to me."

Nakausap lang daw umano ni Dennis si Gerald sa telepono noon no'ng nagsisimula pa lang ang relasyon nito kay Julia.

Matatandaang sa isang vlog ni Ogie Diaz noong Hulyo 2023, naunang sinabi ni Dennis na hindi pa sila nagkakausap ni Gerald. Naibahagi ng komedyante na dinedma raw siya nito nang minsang magkasama sila sa isang event. Isang kaibigan daw ang nagsabi rito na naroon din lang si Dennis at sana ay puntahan siya.

“Kung gusto talaga ako ni Gerald kausapin, dapat kinausap na niya ako, eh hanggang ngayon hindi niya ko kinakausap eh,” ayon sa komedyante.