Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur dakong 11:40 ng umaga nitong Lunes, Pebrero 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng naturang lindol.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Bayabas, Surigao del Sur, na may lalim na 20 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nangyaring mga pagyanig.