Inaswang nga ba?

Palaisipan sa mga residente ng Barangay San Pascual sa lalawigan ng Masbate kung bakit said ang dugo at walang laman-loob ang mga alagang kambing na natagpuan sa iba't ibang lugar sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, aabot sa 15 mga kambing ang natagpuang patay sa iba't ibang lugar, na wala ngang dugo at laman-loob; na pinag-iisipang kagagawan daw ng aswang.

Hindi raw ito ang unang beses na nangyaring natagpuang walang buhay ang mga alagang kambing na walang dugo at internal organs.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Noong nagdaang linggo, 8 kambing daw ang natagpuang patay na nakahandusay sa damuhan sa Barangay Mantalongon sa Barili, Cebu. Sa Zamboanga City naman ay 14 na kambing na may mga kagat din. Gayundin ang namataan sa San Juan, Abra noong Enero.

Narito ang ilan sa mga hinala ng netizens:

"aswang is waving"

"Baka kinuha lang laman-loob at dugo para gumawa ng papaitan haha."

"Manananggal may gawa nyan. Sila lang yung mahilig kumatay ng mga hayop sa lahat ng angkan o uri ng mga aswang."

"Ayan Ang panimula Ng pagbabanta Ng mga asawang nagmula pa sa pinagmulan Ng mga alamat at Sabi Sabi Ng mga sinaunang unang tao sa Mundo, nagbabalik na Sila sa paghihiganti na ikunulong Sila sa sumpa Ng mga kalaban Ngayon Ang oras na nawala Ang bisa Ng dasal upang Sila makawala sa pagkakulong , Kaya mag ingat na Tayo palagi mag lock Ng pinto bago matulog."

"Hindi kaya asong-gala na gutom na gutom? O kaya mabangis na hayop?"

Samantala, habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang update mula sa mga awtoridad tungkol sa tao o bagay na nasa likod ng pagpaslang sa mga kambing.