Nilinaw ng TV host-social media personality na si Mariel Rodriguez-Padilla, misis ni Senador Robin Padilla, na wala siyang intensyong bastusin ang Senado at sinomang may kaugnayan dito, ayon sa caption ng kaniyang isinagawang live kamakailan.

MAKI-BALITA: Mariel, binatikos nang ‘mag-gluta drip session’ sa opisina ni Robin; Senador, nag-react

Sa pamamagitan kasi ng kaniyang live selling ay inaddress ni Mariel ang isyung ipinupukol sa kaniya matapos hindi magustuhan ng mga netizen ang ginawa niyang pag-flex sa drip session habang nasa loob ng tanggapan ng kaniyang asawa sa Senado.

Nilinaw rin ni Mariel na hindi glutathione ang pina-drip niya kundi vitamin C.

Tsika at Intriga

Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

"I was at the Senate to show support for my husband's bill. Despite my busy schedule as a wife, mother, and online seller, I wanted to be there with him since his work is very important to him," aniya.

"To clarify, I received a Vitamin C Drip, not Glutathione, under the medical supervision of a professional nurse. Having mentioned this, my intent was just to inspire others that even amidst various activities or wherever they are, they can still prioritize their health by taking vitamins."

"It was never my intention to malign nor undermine the integrity and dignity of the Senate. I want to extend my sincerest apologies to all concerned, including the members and staff of the Senate and the public. We uphold the Senate’s dignity and integrity. 🙏🏽"

"Salamat."

Sa kabilang banda, nag-isyu na rin ng apology letter ang mister na naka-address sa sergeant-at-arms ng senado.

MAKI-BALITA: Robin, nag-sorry sa ‘drip session’ ni Mariel sa Senado: ‘Hindi na po mauulit’