Naibenta kay Boss Toyo ng "Pinoy Pawnstars" ang kuwintas na ginamit ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kaniyang iconic role bilang "Dyesebel" na ipinalabas sa GMA Network noong 2008.

Nagsadya mula pa sa Caloocan City ang dalawang nagbebenta kay Boss Toyo na malugod naman nilang inestima.

Ang Dyesebel ay nagsimula sa komiks na nilikha ni Mars Ravelo, na unang ginawang pelikula, hanggang sa maging teleserye na rin.

Sa telebisyon, bukod kay Marian ay ginampanan na rin ito ni Anne Curtis sa ABS-CBN.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Kuwento ng nagbebenta, dating taga-ABS-CBN ang kaniyang lolo na nakalipat naman sa GMA Network at nagtrabaho bilang staff. Noon daw, hindi basta-basta nakapag-uuwi ang mga staff ng props na ginagamit sa mga show.

May pahintulot naman daw sa gumagawa ng props noon ang pagkuha nila sa ilang props, kabilang na nga ang kuwintas ni Dyesebel.

Tinawagan pa ni Boss Toyo ang komedyante-TV host na si Buboy Villar at kinumpirma nitong kilala niya ang mga nagbebenta.

Ibinebenta nila ito sa halagang ₱40,000 ngunit hindi pumayag si Boss Toyo. Tumawad pa sila hanggang sa mabatak sa ₱20,000. Huling alok ni Boss Toyo ay ₱17,500. Sa pagkakataong ito ay pumayag na ang mga nagbebenta.