Pinagtibay ng Supreme Court (SC) nitong Lunes ang hatol na habambuhay na pagkakakulong laban sa isang babaeng guilty sa child pornography.

Bukod sa reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakapiit, pinagmumulta rin si Luisa Pineda ng ₱2 milyon dahil na rin sa kaso.

Sa ruling na pinonente ni Associate Justice Mario Lopez, ibinasura ng en banc ng SC ang apela ni Pineda laban sa hatol sa kanya ng korte.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Kamakailan, pinatawan ng regional trial court si Pineda na makulong ng habambuhay matapos mapatunayang nagkasala sa kaso.

Ang naturang desisyon ng hukuman ay pinagtibay din ng Court of Appeals.

Ikinatwiran ng hukuman, nakita sa kaso ni Pineda ang lahat ng elemento ng child pornography sa ilalim ng Republic Act (RA) 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009).

“Clearly, accused (Pineda) committed the prohibited acts in RA 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009) when she persuaded, induced, and coerced her niece AAA262941 to perform in the creation of nude photos and videos, and when she subsequently offered to sell these child pornographic materials, concluded the Court,” dagdag pa ng korte.

PNA