Isiniwalat ng rapper-composer na si Gloc 9 ang kasarian ng kaniyang anak na lalaki sa isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, Pebrero 26.

Sa anibersaryo kasi ng kanta nila ni “Mr. Pure Energy” Gary Valenciano na pinamagatang “Walang Pumapalakpak,” nausisa si Gloc 9 tungkol sa tagumpay ng “Sirena” na unang lumabas noong 2012.

Matatandaang nasungkit ng “Sirena” ang parangal na “Best Song of the Year” at “Best Music Video of The Year” sa Awit Awards noong 2013.

Niyakap at tinagkilik din kasi talaga ito ng maraming tao sa kabila ng pag-aalinlangan ni Gloc 9 na ilabas ito sa publiko. 

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Pero sa kabila ng malaking impluwensiya ng nasabing kanta sa buhay ng kaniyang mga tagasubaybay, tila hindi inakala ni Gloc 9 na magkakaroon pala ito ng malalim na kahulugan sa kaniyang personal na buhay.

“My son is gay. No’ng sinulat ko 'yon, hindi niya pa sinasabi sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko kung gaano ko siya kamahal,” saad ni Gloc 9.

“Hindi naman ako ma-showbiz and I think para sabihin ko ito now, ako ay proud na proud sa anak ko. Ako ay excited sa kung ano man ang kaya niyang ma-achieve sa buhay niya.” aniya. 

Dagdag pa ng rapper: “Minsan iniisip ko how life gives you hints of magic here and there. No’ng natapos ko 'yong ‘Sirena’ hindi ko naman alam. And I don't mind. Anak ko 'yon.”

Kaya ang nasabing kanta ay itinuturing niya raw regalo hindi lang para sa kaniyang sarili kundi para din sa anak niya. 

Matatandaang sa isang panayam noong Enero, ibinahagi ni Gloc 9 ang pinaka-nagmarkang pangyayari habang tinutupad niya ang pangarap na maging rapper.

MAKI-BALITA: Gloc 9, umamin; natakot ilabas ang ‘Sirena’