Hindi lamang sa Pilipinas nagkakaroon ng usapin sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Ito ang pagdidiin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at sinabing apektado ng usapin ang buong Asya.

Pagdidiin ni Marcos, tumugon lamang siya sa isang sulat na ipinadala sa Office of the President, sa pamamagitan ng Bahay Ugnayan kung saan tinatanong kung ang kahulugan ng "BBM" ay "Bigas Biglang Mahal."

Nararanasan din aniya sa buong mundo ang pagtaas ng presyo ng bigas at hindi lamang sa Pilipinas.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Hindi natin maiwasan na makita, talagang nagiging problema ang pagtaas ng presyo ng bigas dito sa Pilipinas. Pero, kung titignan po natin kahit na ‘yung mga nag-e-export na mga bansa ay tumataas din ang presyo nila, halos katumbas lang ng pagtaas dito sa Pilipinas,” pagdidiin ng punong ehekutibo.

Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matiyak na sapat ang suplay ng bigas at tumatag ang presyo nito sa bansa.

“Ginagawa natin lahat upang naman ang produksyon natin ay maging sapat na hindi na tayo nag-iimport mababawasan ang mga inputs, kung tawagin para sa ating mga farmer at sana naman ay ma-stabilize manlang natin ‘yung presyo ng bigas,” dagdag pa ni Marcos.