Nagsalita na ang aktor na si Diego Loyzaga tungkol sa nakakaintrigang cryptic post ng partner niyang si Alexis Suapengco.

Sa latest episode kasi ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Sabado, Pebrero 24, binanggit niya kay Diego ang tungkol sa kasalukuyang ugnayan nila ni Alexis.

“You’re good na pala with Lex [Alexis]. Kasi ‘yong cryptic post ni Lex na medyo maraming naintriga, hindi ba? Pero paano naayos?” saad ni Ogie.

“Nag-usap kami. When she posted it I posted din agad na wala akong dine-deny. Kasi if I have to explain everything, maniniwala pa ba ‘yong mga tao kung magpapaliwanag pa ba ako?” sagot ni Diego.

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

MAKI-BALITA: Unbothered? Diego Loyzaga, may sagot daw sa akusasyon ng partner

“Better sabihin ko na lang, whatever is said, is said. I can neither deny or confirm these accusations. Better na I just leave it as it is. Basta ang masasabi ko lang, ang baby ko maayos siya. That’s all I cared about, e,” aniya.

Dagdag pa niya: “The people can judge me if they want and say that ‘Diego’s this, Diego’s that.’ Whatever. I don’t care. At the end of the day, inaalagaan ko ang baby ko. Do’n wala kang masasabi sa akin.”

Kaya wala na raw siyang panahon pa para idetalye pa kung alin sa bahagi ng cryptic post ni Alexis ang totoo at hindi.

Matatandaang noong Enero lamang pinag-usapan ang nasabing cryptic post ni Alexis kung saan nakasaad doon na pinalayas sila ni Diego sa bahay kasama ang anak nilang si Baby Hailey.

MAKI-BALITA: Partner at baby nila, pinalayas ni Diego Loyzaga sa bahay?