Usap-usapan ngayon ang 'Vitamin C' drip session ni Mariel Rodriguez-Padilla sa tanggapan ng kaniyang mister na si Senador Robin Padilla sa loob ng senado. Dahil dito, nagbabala ang Department of Health (DOH) na maaaring magdulot ito ng hindi maganda sa kalusugan.

Matatandaang nakatanggap ng pagbababatikos mula sa ilang mga netizen si Mariel dahil sa kaniyang Instagram post na nagpapakita ng kaniyang umano'y glutathione drip session sa opisina ng mister.

MAKI-BALITA: Mariel, binatikos nang ‘mag-gluta drip session’ sa opisina ni Robin; Senador, nag-react

Nilinaw pa nga ni Mariel na hindi glutathione ang laman ng drip session kundi vitamin C.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

MAKI-BALITA: Drip session ni Mariel sa senado, hindi raw gluta kundi vitamin C

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ang "Intravenous Vitamin C" ay ipinapares sa injectable glutathione upang umano’y maging mas epektibo ito sa pagpapaputi.

Sinabi rin ng ahensya na hindi nila inirerekomenda ang paggamit ng glutathione drip o injectable glutathione para sa pagpapaputi ng balat.

“The DOH does not support the use of glutathione for skin whitening,” pahayag ng DOH. “Through Food and Drug Administration (FDA) Circular No. 2019-182 [1], DOH categorically states that there are no published clinical trials that have evaluated the use of injectable glutathione for skin lightening. There are also no published guidelines for appropriate dosing regimens and duration of treatment.”

“Injectable glutathione is approved by FDA Philippines as an adjunct treatment in cisplatin chemotherapy. The FDA has not approved any injectable products for skin lightening,” anito pa.

Samantala, nagbigay rin ng karagdagang pahayag ang DOH tungkol sa Vitamin C injection. Anila, maaari itong mabuo bilang bato sa kidney kung ang ihi ay acidic.

“Injectable glutathione is sometimes paired with intravenous Vitamin C. Vitamin C injection may form kidney stones if the urine is acidic. Large doses of Vitamin C have resulted in hemodialysis in patients with glucose-6-phosphate dehydrogenase (G6PD) deficiency.”

Pinayuhan naman ng DOH ang publiko na sakaling nakaranas ng anumang side effect sa paggamit ng anumang uri ng gamot, kabilang ang injectable glutathione, ay kaagad na kumonsulta sa doktor at i-report ito sa FDA sa [email protected] o sa kanilang website na www.fda.gov.ph. Maaari rin umanong tumawag sa Center for Drug Regulation and Research sa mga numero ng teleponong (02) 8809-5596.

Dagdag pa ng DOH, “For the next steps to take should you think that injectable glutathione was wrongly prescribed for you by a physician, please consult a practicing lawyer or the Public Attorney's Office for legal advice on matters such as medical negligence and what may be done in the interest of justice.”