Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) na tumaas ang naitalang insidente ng sunog sa bansa ngayong buwan.

Binanggit ni BFP Central Office Community Relations head Capt. Gabriel Solano sa panayam sa radyo nitong Lunes, nakapagtala na sila ng 2,290 insidente ng sunog hanggang nitong Pebrero 20, 2024.

Mas mataas aniya ito 17 porsyento kumpara sa naitalang 1,957 insidente sa kaparehong panahon noong 2023.

Sinabi nito na ang pinakamataas na insidente ng sunog ay sa residential area.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Lumobo rin aniya sa 41 ang nasawi sa sunog, mas mataas ng 21.9 porsyento kumpara sa 34 na namatay noong 2023.