Sa kabila ng mga tagumpay na nakamit sa buhay, aminado si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na galing din siya sa hirap dati.

Sa latest episode kasi ng Korina Interviews ni broadcast journalist Korina Sanchez nitong Linggo, Pebrero 25, tiniyak niya kung totoo ba talagang nagmula sa hirap si Enrile.

“Oo, totoo ‘yon. Alam mo hanggang ngayon, kaya malapit ang puso ko sa mahihirap sapagkat doon ako galing,” lahad ni Enrile.

“Kung mahirap ka, para bang wala kang kwentang tao. Naramdaman ko ‘yon. Parang alipin ang feeling mo ba. At tinitingala mo ‘yong mga magaganda ang damit, nakatsinelas, nakasapatos,” aniya.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Dagdag pa niya: “Dahil kami wala kaming mga sapatos. Wala kaming mga tsinelas. ‘Yong talampakan namin, makakapal. I finished fourth grade, elementary I was a houseboy of two teachers for two years.”

Hindi na raw kasi siya kayang pag-aralin ng kaniyang ina ayon kay Enrile. Kalaunan, kinuha siya ng kamag-anak nilang nakapangasawa ng mayor para maging houseboy kaya natustusan niya ang kaniyang pag-aaral at nakapagtapos pa ng salutatorian.

Pero dahil gusto pa niyang mag-aral ng high school, nag-apply ng scholarship si Enrile sa Cagayan Valley Institute.

Matatandaang kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Enrile ang kaniyang ika-100 taong kaarawan.

MAKI-BALITA: Isang siglong Enrile

Gumawa pa ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng centenarian personalized stamp bilang pagbibigay-pugay raw sa kaniyang mahabang panahong paglilingkod sa bayan.

MAKI-BALITA: Enrile, ginawaran ng PHLPost ng centenarian personalized stamp