Nagbahagi ng trivia ang aktor na si Cesar Montano tungkol sa pelikulang “Jose Rizal” na inilabas sa ilalim ng GMA Films.
Sa latest vlog ni Diamond Star Maricel Soriano nitong Linggo, Pebrero 25, sinabi ni Cesar na si Aga raw ang unang nakakuha ng role ni Rizal sa nasabing pelikula.
“That movie, ginagawa na ‘yan before. Pero hindi ako. Hindi rin si Direk Marilou [Diaz-Abaya]. It was Mike De Leon, the director, and Aga Muhlach,” lahad ni Cesar.
“Sabi ko: ‘Wow, galing. Syempre kaibigan ko si Aga. Tuwang-tuwa ako for him. Magkakaroon din tayo ng Jose Rizal na may dimples. Ayos.’ Natuwa ako,” aniya.
“Pero hindi matuloy-tuloy. Hindi matapos-tapos. Apparently, 2 years na nilang ginagawa, hindi matapos. They have to stop it,” dugtong pa niya.
Kaya sa pangunguna raw ng producer na si Butch Jimenez, nagkaroon ng pagbabago sa binubuong pelikula. Hanggang sa makita nila si Marilou na siya ngang magdidirek.
“So, si Direk [Marilou] nag-scout. ‘Sino ba ang pwede nating kunin?’ E, noon ang ginagawa ko puro action. Tatanggapin kaya ni Cesar ito. So, tinry nila. So, kinausap ako. Sabi ko: ‘Sandali. Bakit hindi ko tatanggapin ‘to? Baka 15 years from today, ‘yan na lang ang pelikulang naaalala sa akin,’” saad niya.
Kaya talaga namang feeling blessed daw si Cesar nang ialok sa kaniya ang pelikula lalo pa’t makakasama niya ang nag-iisang Marilou na ngayon ay isa ng National Artist.
Matatandaang “Jose Rizal” ang pinakamaraming nahakot na parangal noong 1998 Metro Manila Film Festival.