Isang magnitude 4.8 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng umaga, Pebrero 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:09 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 266 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 67 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.