Patuloy na bumababa ang water level ng Angat Dam sa gitna ng nararanasang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

Isinisi ito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)-Hyrdrometeorology Division, sa kawalan ng ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Dakong 6:00 ng umaga nang maitala ng PAGASA ang 206.45 metrong water level ng naturang dam, bahagyang bumaba kumpara sa 206.72 metro nitong Sabado ng umaga.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Paglilinaw ng ahensya, mataas pa rin ang level ng tubig ng dam dahil nasa 180 metro ang minimum operating level nito.

Aabot naman sa 211 metro ang normal high water level ng Angat Dam, anang PAGASA.

Nasa 76.74 metro naman ang lebel ng tubig ng La Mesa Dam nitong Linggo, bumaba ng 0.08 dahil naitala ang 76.82 metro nitong Sabado ng umaga.

Bukod sa nabanggit na dalawang dam, bumaba rin ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.