Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo, Pebrero 25, na mahalagang pag-aralan ang kasaysayan dahil marami raw matututunan dito.

Sa kaniyang latest vlog na may pamagat na “Replying to Letters,” binasa at sinagot ni Marcos ang mga liham na ipinadala raw sa kaniya mula sa Bahay Ugnayan, isa umano sa mga museo sa Malacañang.

Base sa video, isa sa mga binasa at sinagot ng pangulo ay ang sulat na galing sa isang esduyante sa Humanities na may malaking interes daw sa politika at kasaysayan.

Pagdating sa aspeto ng kasaysayan, sinabi ni Marcos na natutuwa siyang mahilig ang naturang estudyante na pag-aralan ang nakaraan dahil marami raw matutunan dito.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“Your interest in history is very, very important because we have much to learn from history,” sagot ni Marcos sa estudyante.

“The history that has been made long, long time ago, and the history that’s being made now. All of these is important,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi rin ni Marcos sa naturang vlog na para maiwasan daw ang “fake news” lalo na pagdating sa politika, dapat daw basahin ang lahat ng panig saka magdesisyon kung ano ang tama at hindi.

“Magbasa ka ng kahit na ano, at ikaw na ang bahala na mangilatis kung ano ang maganda at kung ano ang hindi tama. That’s what you have to do, and that’s what history can gave us with. Because we have experienced this before,” ani Marcos.

“Politics is essentially about the human condition. It is about an ideology that you hold dear, a principle that you will not compromise so that you can help the people, so you can be of service of the people, not to yourself, not to your party, not to your family, but for the people,” saad pa niya.

Ang naturang vlog ng pangulo ay inilabas nitong Linggo, kasabay ng paggunita sa ika-38 anibersaryo ng EDSA I People Power Revolution, kung saan muling naibalik ang demokrasya ng bansa matapos mawakasan ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon.