Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang turo daw sa kaniya ng kaniyang lola hinggil sa kung paano maiiwasan ang “fake news” sa politika.

Sa kaniyang latest vlog na inilabas nitong Linggo, Pebrero 25, binasa at sinagot ni Marcos ang mga liham na ipinadala raw sa kaniya mula sa Bahay Ugnayan, isa umano sa mga museo sa Malacañang.

Kasama sa mga binasa at sinagot ni Marcos ay ang sulat mula sa isang “Humanities student” na mahilig sa kasaysayan at politika, ngunit nag-aagam-agam kung ano ang totoo sa mga nababasa niya.

Sagot namna ni Marcos, mahirap daw talagang makatingin ng “fake news” lalo na sa teknolohiya sa panahong ito.

PBBM, natuwa sa estudyanteng mahilig sa kasaysayan: ‘We have much to learn from history’

“Politics, actually, is constant. The problem is, now, with the technology that we have, mahirap talagang makatingin kung ano ‘yung fake news, ano ‘yung totoo. It’s really up to you,” sagot ni Marcos sa nagpadala ng sulat.

Ayon pa sa pangulo, sinabi raw sa kaniya ng kaniyang lola na kailangang basahin ang lahat para makita ang iba’t ibang panig bago magdesisyon.

“Huwag kayong magbabasa ng isa lang bagay. Basahin n’yo lahat. Ang turo sa’kin ng lola ko, sabi niya: ‘Magbasa ka ng kahit na ano, at ikaw na ang bahala na mangilatis kung ano ang maganda at kung ano ang hindi tama.’ That’s what you have to do, and that’s what history can guide us with. Because we have experienced this before,” ani Marcos.

“Politics is essentially about the human condition. It is about an ideology that you hold dear, a principle that you will not compromise so that you can help the people, so you can be of service of the people, not to yourself, not to your party, not to your family, but for the people,” saad pa niya.

Samantala, inihayag din ng pangulo ang kaniyang pagkatuwa na mahilig ang naturang estudyante sa kasaysayan dahil, aniya, maraming matututunan sa nakaraan.