BAGUIO CITY – Sa temang "Celebrating Traditions, Embracing Innovation," ipinamalas ng Tribu Rizal Street dancers na angkop ang kanilang naging pagtatanghal matapos manalo sa festival dance high school category sa ginanap na grand parade ng Panagbenga Festival sa Baguio City, nitong Pebrero 24.

 

Ang Tribu Rizal mula sa 135 estudyante ng Rizal National School of Arts and Trades, ang naging pambato ng lalawigan ng Kalinga, makaraang masungkit ang first runner-up sa kakatapos na Street Dance Competition ng 5th Bodong Festival sa Tabuk City, Kalinga.

 

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Bukod sa pagkapanalo, tumanggap din ang Tribu Rizal ng Special award for Innovation in Musical Arrangement, Special award for excellence in Festival Dance Costume at Festival Dance Choreography.

 

Pumangalawa naman ang Narvacan Naisangsangayan Street dancers mula sa San Pedro National High School, na naging pambato ng Narvacan, Ilocos Sur.

 

Ang Baguio City National High School-Special Program for the Arts Street Dancers na pambato ng Baguio City laban sa anim na outside performers ang pumangatlo sa festival dance competition.

 

Sa anim na kalahok sa elementary drum and lyre street dancing competition, nanalo bilang champion ang Lucban Elementary School at tumanggap ng Special award for Innovation in Musical Arrangement.

 

Ang nag-iisang kalahok mula sa karatig-lalawigan ng Benguet, ang Tuba Central School na pumangalawa at tumanggap din ng Special award for excellence in Drum and Lyre Dance Costumes and Choreography, samantlang pangatlo ang Manuel Roxas Elementary School ng Baguio City.

Sa walong cultural group performer na nauna ng isinagawa ang competition noong Pebrero 18 sa Melvin Jones Football ground,  Burnham Park, ay muling champion ang Saeng Ya Kasay Cultural Dancer ng University of Cordilleras, gaya ng pagkapanalo nila noong 2023.

 

Pumangalawa ang Bimaak Cultural Dance Troupe at second runner-up ang Sakusak Musical Ensemble.