Nagbigay ng reaksiyon ang komedyanteng si Dennis Padilla matapos siyang batiin ng kaniyang anak na si Julia Barretto noong birthday niya.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Sabado, Pebrero 24, sinabi ni Dennis na isang magandang ideya raw ang makasama niya si Julia sa isang pelikula.

“I hope sa susunod, itong mga dadating na panahon baka magkasama kami ulit sa pelikula,” saad ni Dennis.

“Dahil last time na magkasama kami ABS pa, e. ‘Palos.’ The one with Cesar Montano. Ako ‘yong sidekick saka si Redford White. Bata pa si Julia no’n. That was 2008,” aniya.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Samantala, hinggil naman sa birthday greeting ni Julia: “Naluha ako do’n. That was sweet. Para bang tagos sa puso ‘yong mararamdaman. That’s why I was so happy.”

“I hope makapag-dinner or lunch kami soon. Hindi lang si Julia. Gusto ko rin syempreng makita si Claudia [Barretto] saka si Leon [Barretto]. Kasi almost two years ko na silang ‘di nakikita, e. More, I think more,” dugtong pa ng komedyante.

Matatandaang noong nakaraang Pasko lang ay ayaw talagang magpaawat ni Dennis sa pagpapabot ng pagbati sa kaniyang mga anak kay Marjorie Barretto.

MAKI-BALITA: Ayaw paawat: Dennis Padilla nag-post ng mensahe sa bawat anak