Nagpaliwanag na ang TV host-social media personality na si Mariel Rodriguez-Padilla, misis ni Senador Robin Padilla, hinggil sa isyu ng pagsasagawa niya ng glutathione drip session sa mismong tanggapan ng kaniyang mister sa loob ng senado.
Burado na ngayon as of this writing ang Instagram post ni Mariel kung saan makikitang nakatusok sa kaniya ang mala-dextrose na gluta drip, na ginagawa ng karamihang afford nito para mas mapabilis ang pagpapaputi at pagpapaganda ng kutis.
MAKI-BALITA: Mariel, binatikos nang ‘mag-gluta drip session’ sa opisina ni Robin; Senador, nag-react
Ang gluta drip session ay direktang pag-iinject ng glutathione sa pamamagitan ng dextrose. Ang glutathione ay isang uri naman ng anti-oxidant, na bukod sa health benefits nito, ay ginagamit naman sa agarang pampaputi ng kutis.
Matapos kuyugin sa social media dahil sa kawalan daw ng proper decorum ni Mariel habang nasa loob ng senado, ipinagtanggol naman siya ng mister na senador at sinabing wala siyang nakikitang masama sa ginawa ng asawa; bagama't humingi na siya ng dispensa sa mga taong hindi nagustuhan ang ginawa nito.
Kinontra naman ito ni Senate ethics and privileges committee chair Senator Nancy Binay dahil aniya, bilang public figure at asawa pa mandin ng senador, dapat mas mag-ingat sa ipinakikita sa publiko dahil baka makahikayat pa ng iba na gayahin ang ginawa ni Mariel.
MAKI-BALITA: Gluta drip session ni Mariel, paiimbestigahan daw ng senado
Giit ng senadora, mula na mismo sa Department of Health (DOH) at Food and Drugs Authority (FDA) na unsafe ang pagsasagawa ng gluta drip lalo na kung walang patnubay ng health professionals.
MAKI-BALITA: Mariel baka may napo-promote na ipinagbabawal, ilegal sey ni Sen. Nancy
Sa kaniyang live selling nitong Sabado, Pebrero 24, ay inaddress na ni Mariel ang isyu dahil panay bash pa rin ang netizens sa comment section habang nag-aalok siya ng mga paninda.
Aniya, wala raw siyang intensyong mambastos ng sinuman o anuman.
"My intention was to show that no matter how busy we are, dapat pina-prioritize pa rin natin 'yong paglalagay ng bitamina sa ating katawan," anang Mariel.
"I had no intention whatsoever to disrespect the Senate or anything like that. Okay? It was never my intention."
Uminom pa ng tubig si Mariel bago ulit kumambyo.
"And then, para sa akin, honestly in my head, I was in my husband's office. Siguro... on my part, nakita ninyo na hindi maganda, kasi sa utak ko talaga I was in my husband's office, gano'n lang, 'di ba? So I felt na safe place 'yon because opisina po ng asawa ko. Iyon ang aking iniisip..."
Binura daw niya ang IG post dahil marami ngang nag-react sa kaniyang post, at bilang respeto na rin daw sa mga na-offend, dinelete na lang niya ito. Iginiit din ni Mariel na hindi naman niya sinabing glutathione ang pina-drip niya. Ito raw ay vitamin C.
"Every week I have a Vitamin C drip. Inisip n'yo po na glutathione 'yong ating ginagawa… Vitamin C po iyon," aniya.
"But I never ever said that I was taking gluta. It was vitamin C," dagdag pa.
MAKI-BALITA: Drip session ni Mariel sa senado, hindi raw gluta kundi vitamin C
Ibinahagi naman ni Gretchen Fullido, showbiz news anchor sa ABS-CBN, ang clip ng pahayag ni Mariel sa kaniyang X.
https://twitter.com/gretsfullido/status/1761420393968181327