Nilinaw ni Mariel Rodriguez-Padilla na hindi glutathione ang laman ng drip session niya sa tanggapan ng kaniyang mister na si Sen. Robin Padilla sa loob ng senado kundi vitamin C.

Matatandaang dumalo sa pagpasa ng Eddie Garcia Bill sa senado si Mariel upang suportahan ang kaniyang mister. Pagkatapos, nag-post siya sa Instagram ng drip session niya, na ngayon ay burado na matapos kuyugin sa social media.

Mababasa sa caption, "Drip anywhere is our motto! Hehehe I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office. Hehe I never miss a drip because it really helps in so many ways. A collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and 50000 much more! So convenient and really effective, magaling talaga."

MAKI-BALITA: Mariel, binatikos nang ‘mag-gluta drip session’ sa opisina ni Robin; Senador, nag-react

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Kung titingnan, walang nakalagay na gluta ang dini-drip ni Mariel pero batay sa description, nahinuha ng mga netizen na glutathione ito.

Paglilinaw ni Mariel sa kaniyang live selling nitong Sabado, Pebrero 24, vitamin C ang pina-drip niya at hindi gluta. Hindi rin aniya siya nagpo-promote ng gluta, taliwas sa mga sinasabi ng netizen at ayon na rin sa reaksiyon dito ni Senate ethics and privileges committee chair Senator Nancy Binay.

MAKI-BALITA: Gluta drip session ni Mariel, paiimbestigahan daw ng senado

MAKI-BALITA: Mariel baka may napo-promote na ipinagbabawal, ilegal sey ni Sen. Nancy

"Every week I have a Vitamin C drip. Inisip n'yo po na glutathione 'yong ating ginagawa… Vitamin C po iyon," aniya.

Nilinaw rin ni Mariel na wala siyang intensyong bastusin ang senado o kung sino pa man.

"My intention was to show that no matter how busy we are, dapat pina-prioritize pa rin natin 'yong paglalagay ng bitamina sa ating katawan," anang Mariel.

"I had no intention whatsoever to disrespect the Senate or anything like that. Okay? It was never my intention."

Uminom pa ng tubig si Mariel bago ulit nagpaliwanag.

"And then, para sa akin, honestly in my head, I was in my husband's office. Siguro... on my part, nakita ninyo na hindi maganda, kasi sa utak ko talaga I was in my husband's office, gano'n lang, 'di ba? So I felt na safe place 'yon because opisina po ng asawa ko. Iyon ang aking iniisip..."

Binura daw niya ang IG post dahil marami ngang nag-react sa kaniyang post, at bilang respeto na rin daw sa mga na-offend, dinelete na lang niya ito.

"But I never ever said that I was taking gluta. It was vitamin C," aniya pa.

Sey naman niya sa mga patuloy na imbyerna sa kaniya, "I'm saying sorry sa mga na-offend... Now I'm going back to my live selling, 'yong mag-hate pa diyan, okay go."

MAKI-BALITA: Mariel nagsalita na tungkol sa kinuyog na gluta drip session sa senado