Inamin ng aktor na si Diego Loyzaga na hindi raw niya maibibigay sa anak niyang si Hailey ang isang kompletong pamilya.

Sa latest vlog kasi ni showbiz insider Ogie Diaz noong Sabado, Pebrero 24, inusisa niya kung malaki raw ba ang epekto ng pagkakaroon ni Diego ng anak para isipin nito ang posibleng mangyari sa hinaharap.

“Yes,” sagot ni Diego, “siguro ang ipinangako ko lang sa sarili ko saka sa baby, mommy [niya]—which you know si Lex [Alexis Suapengco]—is I promise to give her a life na I didn’t have. And saying that I’m not throwing shade on my parents because they did the best that they could.“

“Pero ngayon it’s my turn naman to live up to the expectations that I set myself. So, sabi ko kung maibigay ko sa kaniya ang lahat ng wala ako noong bata ako sana mabigyan ko siya ng maayos o mas mabuting buhay kaysa sa dinanas ko noong kabataan ko. Pero hindi naman sadya na ‘di ibinigay. Hindi lang naibigay because of circumstances,” aniya.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Dagdag pa niya: “Alam kong galing ako sa broken family pero hindi ko sinasabi na maibibigay ko rin ‘yong traditional na kompletong family because in saying that it means the mom and the dad lives in the same house.”

Ang sitwasyon daw kasi ngayon nila ni Alexis ay co-parenting. Minsan, nasa pangangalaga niya ang anak at minsan naman nasa partner niya.

Gayunpaman, maipapangako naman ni Diego na lagi niyang ipaparamdam kay Hailey ang presensiya niya kahit hindi sila kompleto bilang isang pamilya.

Matatandaang sa isang panayam noong Nobyembre 2023 ay ibinahagi rin ni Diego ang pananaw niya tungkol sa kasal.

MAKI-BALITA: Diego Loyzaga ‘di naniniwala sa kasal: ‘It’s a piece of paper’