Bumaba ng 5.9 porsyento ang crime rate sa Gitnang Luzon sa nakalipas na isang taon, ayon sa pahayag ng Police Regional Office 3 (PRO3) nitong Linggo.

Binigyang-diin ni PRO3 Director Brig. Gen. Jose Hidalgo, Jr., 37,754 krimen ang naitala mula Pebrero 22, 2023 hanggang Pebrero 21, 2024.

Mas mababa ito ng 5.9 porsyento kumpara sa naitalang 40,114 krimen noong Pebrero 2022 hanggang Pebrero 2023.

Sa kabila nito, nasa ₱154,037,486.27 pa ring halaga ng illegal drugs ang nasamsam sa 8,319 suspect sa 5,861 operasyon sa loob ng nasabing panahon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinagdag pa ng heneral na naka-aaresto rin sila ng kabuuang 1,310 most wanted person sa naturang panahon.