Nagbigay ng mensahe ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno kaugnay sa ika-38 anibersaryo ng kauna-unahang EDSA Revolution o People Power.
Sa Facebook post ni Diokno nitong Linggo, Pebrero 25, nanawagan siya sa lahat na buhayin ang diwa ng EDSA sa panahong ito.
“Harapin natin ang disinformation at historical revisionism. Nakita ko ang mga pag-abuso at korupsyon noon, kaya alam kong hindi golden age ang Martial Law era,” saad ni Diokno.
“Patuloy tayong maging mapagbantay, lalo na sa mga tangkang baguhin ang ating Konstitusyon,” dugtong pa niya.
Matatandaang ang EDSA 1 ang tumapos sa mahigit dalawang dekadang panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong 1986 sa bansa.
Bukod kay Diokno, iginiit din ni dating Senador Kiko Pangilinan ang patuloy na pagpapaalala sa mga kabataan hinggil sa aral na iniwan ng EDSA.
MAKI-BALITA: Mga aral ng EDSA dapat patuloy na ipaalala lalo sa kabataan, giit ni Kiko
Samantala, may dasal naman si dating Senador Bam Aquino para sa nasabing komemorasyon.
MAKI-BALITA: Bam Aquino, may dasal para sa mga Pinoy sa anibersaryo ng EDSA