Nag-alay ng panalangin si dating Senador Bam Aquino para sa mga Pilipino sa gitna ng paggunita ng ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

“Panginoon, ngayong humaharap muli ang aming bayan sa isang sangandaan, gabayan mo ang mga Pilipino tulad kung paano mo kami ginabayan noong People Power,” ani Aquino sa isang X post.

“Palalimin mo ang aming pananampalataya na maging mas tagos-kaluluwa at puso 🙏🏻 #EDSA38,” dagdag pa niya.

Samantala, sa isang hiwalay na post ay ipinahayag ng dating senador na naniniwala raw siyang malalim ang pagmamahal ng mga Pinoy sa bansa kahit sa kasalukuyang panahon.

Malacañang, inilabas listahan ng holidays sa 2024; EDSA anniversary, 'di kasama?

“Naniniwala akong malalim ang pananampalataya at pagmamahal natin sa bayan mula noon hanggang ngayon. Isang mapayapang paggunita ng ika-38 na Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution,” saad ni Aquino.

Noong Pebrero 25, 1986 nang maibalik muli ng mga Pilipino ang demokrasya sa bansa matapos nilang patalsikin ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng mapayapang EDSA revolution.

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2023/10/13/op-may-pahayag-sa-di-pagsama-sa-edsa-anniversary-sa-holidays-para-sa-2024/