Isang magnitude 5.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Eastern Samar nitong Linggo ng madaling araw, Pebrero 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:47 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 12 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Jipapad, Eastern Samar, na may lalim na 37 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Intensity II - Villareal, SAMAR; Dulag, LEYTE; Mapanas, NORTHERN SAMAR

Intensity I - Basey, SAMAR

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.