Nagbebenta na naman ng ₱25/kilo ng bigas sa Kadiwa ng Pangulo sa Isulan, Sultan Kudarat nitong Linggo.

Ito ay kasabay na rin ng paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa nasabing lugar kung saan sinimulan ng pamahalaan na mamigay ng ₱1.2 bilyong halaga ng serbisyo sa mga residente.

Bukod sa abot-kayang presyo ng bigas, nagbebenta rin ang Kadiwa ng Pangulo ng mga sariwang prutas at gulay.

Inaasahang dadagsa sa dalawang araw na caravan ang 150,000 benepisyaryo na bibigyan ng ₱200 milyong ayuda.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbubukas ng BPSF na dinaluhan din ni Special Assistant to the President, Secretary Antonio Lagdameo, Jr.