Pinayuhan ang mga senior citizen na uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang heat stroke sa gitna nararanasang matinding init ng panahon na dulot ng El Niño phenomenon.

Inirekomenda ni infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante nitong Biyernes na uminom na lamang ng hanggang 12 baso ng tubig upang hindi madaling tamaan ng karamdaman dulot ng init ng panahon.

“Ang mga vulnerable population sa heat stroke ay iyong mga matatanda because iyong edad are not able to sustain iyong temperature,” aniya.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

“Ang prevention dito is we really need to inform them, remind them to drink water every day – kung makukuha nila iyong eight to 10 glasses a day mas importante iyon and if they can have a maximum of 12 glasses especially sa ngayon na tag-init,” pagdidiin ni Solante.

Kung maaari aniya, huwag nang magbilad sa araw upang hindi tamaan ng heat stroke.

“Dapat sa loob lang ng bahay and if they will be going out, dapat magsuot ng damit na at least covered lahat ng skin," dagdag pa nito.