Tila maraming naka-relate, lalo na ang mga kapwa working student, sa viral Facebook post ng isang nagngangalang "Earl Soronio" matapos niyang ibahagi ang mga hamong kinahaharap ng isang katulad niyang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho.

"Being a working student is not easy. You really have to manage your time wisely for you to be able to balance school and work at the same time," saad niya sa kaniyang Facebook post noong Pebrero 17, 2024.

“Mga kaklase ko tulog na, ako nasa trabaho pa.”

"Mga co-workers ko natutulog pa, ako nasa school na," dagdag pa niya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sa kabila raw ng mga hirap na kaniyang nararanasan, naniniwala si Earl na may plano ang Diyos para sa kaniya at makakaraos din siya.

"I know God has a big plan and I trust in you Lord."

"Puhon kag Padayon working students."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Proud of you!"

"So proud of you Earl, padayon!"

"Nakaka-inspire naman! Yes, God has bigger plans, magtiwala lang tayo sa Kaniya."

"Ganiyan din ako before, talagang tiyaga lang. May mga pagkakataong antok na antok ako habang nasa klase, o kaya kapag nasa work. Sakripisyo talaga. Magbubunga rin naman ang lahat ng maganda.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 4.1k reactions, 5.4k shares, at 269 comments ang nabanggit na viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!