Usap-usapan ang social media post ng isang gurong bagama't passion ang pagtuturo, ay nagawang magtayo ng sariling ukay-ukay upang maidagdag sa kaniyang income na natatanggap buwan-buwan.

Ayon sa post ng gurong si Marj Maguad sa isang online community, pitong taon na ang nakalilipas simula nang mangarap silang magkaroon ng iba pang mapagkukunan ng kita dahil sakto lang daw ang sinusuweldo niya mula sa pagtuturo, na karamihan ay napupunta lang sa pambayad ng mga utang.

"7 years ago, kami ay nangarap. Kasi ang sahod sakto lang pambayad ng utang. As in kahit pambili ng ulam wala," aniya.

"I invested [in] knowledge."

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sa ngayon daw, nagseserbisyo at employed pa rin siya full-time bilang isang guro, subalit mas malaki na raw ang kinikita niya sa negosyo kaysa rito.

Hindi raw niya mabitiwan ang pagiging guro dahil ito naman talaga ang passion niya.

Aminado si Maguad na hindi madali ang pagnenegosyo subalit hindi raw dapat sumuko at gawin lang ang mga dapat gawin.

"We are not [the same] 7 years ago. Employed [pa rin] pero di na tulad noon."

"Hindi madali."

"Walang madali at NEVER naging madali."

"Pero di dapat sumuko. 7 years na ang aming munting negosyo."

"Malayo pa pero malayo na," aniya.

Photo courtesy: Marj Maguad (FB) via Super Wo-Mom

Sa isang panayam, sinabi ni Maguad na 2017 nang maisip nilang magtayo ng isang ukay-ukay para sa mga damit pambata. Matapos daw niyang manganak, sinubukan lang daw niyang bumili ng pre-packed items na ₱1500 na may 50 pirasong damit. Nagbaka-sakali siyang magbenta at hindi naman siya nabigo dahil naubos ito.

Nang mag-boom ang negosyo, napagdesisyunan na nilang lakihan na rin ang puhunan. Hanggang sa kasalukuyan ay kumikita ito at masasabi raw niyang mas malaki pa ang inaakyat nitong income kaysa sa suweldo ng isang guro.

"Hiningi namin sa Lord ang pang-ulam, binigyan kami pati dessert," aniya.

Ang galing hindi ba?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!