Nagbigay ng pahayag si Senate ethics and privileges committee chair Senator Nancy Binay kaugnay ng viral Instagram post ni Mariel Rodriguez-Padilla, mister ni Senador Robin Padilla, kaugnay ng pagsasagawa nito ng glutathione drip session sa loob ng tanggapan ng kaniyang mister sa loob ng senado.

"I’m not sure if the Ethics Committee can extend its jurisdiction dito sa nangyaring insidente since hindi naman member ng Senado si Ms. Mariel. But we also need to closely look into it because it involves issues of conduct, integrity, and reputation of the Institution and matters that concern health and safety," anang senadora.

Naba-bother umano ang senadora na marami pang mahikayat si Mariel na magpa-gluta drip session, dahil deklarado na itong "unsafe" ng Department of Health (DOH) at Food and Drugs Authority (FDA).

"Nakaka-bother lang dahil yung IV procedure was done inside the Senate premises na walang abiso mula sa clinic. And to make it more complicated, yung gluta drip ay ni-declare na mismo ng DOH na unsafe, banned ng FDA, and it was administered outside the clinic without the proper medical advice from a licensed health professional."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"As public figures, sana aware din tayo sa [responsibilidad] natin sa publiko. We might be promoting something na ipinagbabawal at iligal, at akala ng mga tao eh okey lang. Isipin din natin may kasamang kapanagutan ang pagiging artista, lalo na kung senador ang asawa mo."

Samantala, natawa lamang naman si Sen. Robin sa bash na natanggap ng misis, na aniya ay nagpapaganda lang naman. Datapwa't humingi na siya ng pasensya sa mga taong nasaling o hindi nagustuhan ang ginawa ng misis.

MAKI-BALITA: Gluta drip session ni Mariel, paiimbestigahan daw ng senado

MAKI-BALITA: Mariel, binatikos nang ‘mag-gluta drip session’ sa opisina ni Robin; Senador, nag-react