Marcos, bibisita sa Australia sa Pebrero 28
Magtutungo si Pangulong Marcos sa Australia bilang bisita ng Australian Government mula Pebrero 28-29, ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Sabado.
Magtatalumpati si Marcos sa Australian Parliament sa Canberra hinggil sa pananaw nito sa maigting na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Makikipagpulong din si Marcos sa mga Australian senior official upang bigyang-pansin ang defense and security, trade, investments, people-to-people exchanges, multilateral cooperation, at regional issues
Nakatakdang ipagdiwang ng Pilipinas at Australia ang ika-78 anibersaryo ng diplomatic relations ng mga ito sa Nobyembre.