Isiniwalat ng TV personality na si Toni Rose Gayda ang tangkang panliligaw umano ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto.

Sa latest episode kasi ng vlog ni broadcast journalist Julius Babao noong Huwebes, Pebrero 22, ikinuwento niya ang pagkakakilala niya kina Tito Sotto, Vic, at Joey De Leon o mas kilala rin sa bansag na “TVJ.” 

Ayon kay Toni, isang malaking blessing daw sa buhay niya ang mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang tatlong host ng EB.

“Because talagang ang sarap nilang katrabaho, ang sarap nilang kasama. Si Joey will really make you feel welcome. Si Bossing naman, sobrang bait ni Bossing kaya lang mahiyain,” kuwento ni Toni.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

“Sobrang bait? ‘Di ka niligawan ni Bossing?” tanong ni Julius.

“A, ‘di ko pinayagan,” sabi ni Toni sabay tawa.

“Di mo pinayagan, ibig sabihin nagparamdam?” paniniyak ni Julius.

“May gano’n konti. May vibration din ‘pag nakaupo,” saad ulit ng TV personality na natatawa pa rin.

Para kay Toni, mahirap daw kasing karelasyon ang katrabaho lalo na sa gaya niyang isang selosa.

Matatandaang nagsimula si Toni bilang host ng longest-running noontime show sa bansa noong 1996 at umexit naman noong 2014 upang maibigay ang buong atensyon at oras sa kaniyang mahal na pamilya.

“It came into a point nagkasakit mommy ko. Dalawang anak ko nasa hospital for different reasons may sakit din sila noon. Hindi ko nakayanan. Sabi ko,’ I cannot give my best and nahiya naman ako kay Mr. Tuviera and kay Malou,’” lahad ni Toni.

Si Toni ang natatanging anak ng FAMAS award-winning actress na si Rosa Rosal na itinuturing bilang “original femme fatale of the Philippine cinema.”