Ibinahagi ng aktor at politikong si Jason Abalos ang kabutihang ginawa sa kaniya ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ilang taon na ang nakalilipas.

Sa isang bahagi ng programa, sinabi ni Jason na bagama’t na-out daw siya noon sa isang show, nagpaabot naman daw ng tulong si Boy.

“Ikukuwento ko lang po. Kailangan malaman ng buong tao kung gaano kabait si Tito Boy. Na-out ako sa isang show, nagbigay siya ng isang tseke sa akin,” lahad ni Jason.

“Ang sabi niya, ‘Anak, ibigay mo sa nanay mo ‘pag umuwi ka sa inyo para mayro’n kang pasalubong. Gano’n po kabait si Tito Boy,” dugtong pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tugon ni Boy: “Kasi you’re talking about your parents, you’re talking relationship about your parents. Parang ‘yon ‘yong mga bagay na ‘di nakikita sa camera dahil napakahirap mag-judge. Nag-iiyakan ang mga magulang.”

“Naalala ko, batch n’yo may nahimatay. Iba. I mean, para lamang matupad ang iyong mga pangarap,” aniya.

Matatandaang isa si Boy sa judge ng Star Circle Quest season 2 noong 2004 kung saan contestant si Jason. Kasama niya roon ang artistang gaya ni Erich Gonzales.

In fairness kay Jason,  patuloy na tumatakbo ang kaniyang career hindi lang sa showbiz kundi pati sa politika.

Matatandaang noong Oktubre 2021 ay kumandidato siya bilang board member sa District 2 ng Nueva Ecija at pinalad pang manalo.

MAKI-BALITA: Jason Abalos, tatakbong board member sa District 2 sa Nueva Ecija

At sa kasalukuyan, kabilang siya sa bagong show ng GMA Network na pinamagatang “Lilet Matias: Attorney-at-Law” na pinagbibidahan ni Jo Berry.