Iimbestigahan daw ng senado ang kontrobersiyal na glutathione drip session ng TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla matapos kuyugin ng batikos at kritisismo ang kaniyang Instagram post na nagpapakita ng kaniyang session, sa tanggapan mismo ng kaniyang mister na si Senador Robinhood "Robin" Padilla.

Ang gluta drip session ay direktang pag-iinject ng glutathione sa pamamagitan ng dextrose. Ang glutathione ay isang uri naman ng anti-oxidant, na bukod sa health benefits nito, ay ginagamit naman sa agarang pampaputi ng kutis.

Sa ulat ng 24 Oras, sinabi ni Senate ethics and privileges committee chair Senator Nancy Binay na bagama't hindi miyembro ng senado si Mariel, kailangan daw itong siliping mabuti dahil may kaugnayan daw ito sa integridad at reputasyon ng senado.

Ayon pa sa senadora, ang gluta drip ay hindi iminumungkahi ng Department of Health (DOH) kaya baka gayahin pa ito ng karamihan dahil na rin sa pagsasagawa nito ni Mariel bilang isang public figure. Isinagawa rin umano ang drip session nang walang abiso mula sa klinika ng senado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mister na si Sen. Robin ay natawa na lamang daw sa isyu subalit humingi rin ng paumanhin sa mga nasaling at naapektuhan sa ginawa ng kaniyang asawa.

MAKI-BALITA: Mariel, binatikos nang ‘mag-gluta drip session’ sa opisina ni Robin; Senador, nag-react