Bukas daw si dating Vice President Leni Robredo sa posibilidad na tumakbo siya bilang senador sa 2025 midterm elections, ayon sa dati niyang spokesperson na si Atty. Barry Gutierrez.

Sa isang panayam ng News5, sinabi ni Gutierrez na pinag-iisipan umano ni Robredo ang alok nina dating Senador Leila de Lima na kumandidato siya kasama ang kanilang mga kaalyado sa Senado.

“She's definitely thinking about it, and definitely 'yung mga pahayag ng mga kaalyado, tulad ni Senator De Lima, magiging konsiderasyon niya doon sa kaniyang magiging desisyon for 2025," saad ni Gutierrez.

Matatandaang inihayag kamakailan ni De Lima, tagapagsalita ng Liberal Party, na kinukumbinsi pa nila si Robredo na tumakbo bilang senador at pangunahan ang kanilang partido sa susunod na eleksiyon.

National

Makabayan bloc, magpapameeting sa mga naghain ng impeachment complaints laban kay VP Sara

“We are still convincing VP Leni to also run under the same slate and maybe there’s a higher or greater chance at success with the VP Leni leading the pack,” saad ng dating senador noong Huwebes, Pebrero 22.

Samantala, kinumpirma rin ni De Lima na sigurado nang kakandidato sa Senado sa ilalim ng Liberal Party sina dating Senador Kiko Pangilinan, dating Senador Bam Aquino, at human rights lawyer Chel Diokno.

Sa ngayon ay wala pa naman umanong planong tumakbo si De Lima sa susunod na eleksiyon.