Binatikos ni Liberal Party spokesperson at dating Senador Leila de Lima ang umano’y historical revisionism tungkol sa EDSA People Power Revolution, at sinabing ito raw ay isang manipulasyon na nagdudulot ng krisis sa edukasyon.
Sa isang pahayag nitong Sabado, Pebrero 24, iginiit ni De Lima na ang EDSA ay hindi lamang isang pagkilos, bagkus ay isang tinig ng pag-asa at katapangan.
“Fellow Filipinos, today, we stand at a crossroads. 38 years ago, the Filipino people rose not as a single entity, but as a chorus of voices demanding change. This wasn't just a movement; it was a symphony of hope, courage, and unwavering faith in our collective power. EDSA wasn't about a singular leader; it was about the people reclaiming their voices, their future, and their right to be heard,” ani De Lima.
“But today, that symphony is threatened by a cacophony of distortion. Disinformation and historical revisionism don't just try to diminish EDSA; they attempt to rewrite it as the root of our present struggles. They twist narratives, painting the People Power Revolution as a naive misstep instead of the courageous act of self-determination it truly was,” dagdag niya.
Iginiit din ng dating senador na isa raw “malaking kawalanghiyaan” ang pagrerebisa sa kasaysayan, partikular na sa naganap na EDSA Revolution.
“Hindi lang ito tahasang pagsisinungaling; harap-harapan itong pagtanggi ng mga may sala sa kanilang pananagutan. Sa paglilipat ng sisi sa dakilang pagbibigkis ng mamamayan, pinalalabas nilang lehitimo, imbes na makasarili, ang kanilang mga agenda,” pagbibigay-diin ni De Lima.
“At anong nagpapalala sa ganitong manipulasyon? Isang krisis sa edukasyon, kung saan pinababayaang lumabnaw ang kakayahang mag-isip at umalala ng ating mga mag-aaral. Sa ganitong konteksto itinatanim ang mga binhi ng misimpormasyon, upang mas mailayo ang bagong henerasyon sa mga aral na itinuro sa atin ng EDSA.”
“But we, the inheritors of that legacy, refuse to be silenced. We refuse to allow our history to be rewritten. We refuse to stand by while leaders prioritize personal agendas over the nation's future,” saad pa niya.
Kaugnay nito, nanawagan si De Lima sa mga Pilipinong alalahanin ang diwa ng EDSA at bigyang-pugay ang mga bayani sa likod nito.
“We call for a reclamation. We call on every Filipino to remember the power within their voice. Let us honor the heroes of EDSA not just with words, but with action. Let us demand transparency and accountability from our leaders, reminding them that they serve the people, not themselves. Let us dismantle the walls of disinformation, brick by brick, through education and open discourse,” saad ng LP spokesperson.
“Tuloy ang laban para sa katotohanan at katarungan. Gawin nating lumalagablab na apoy ang diwa ng EDSA. Ito ang magtatanglaw ng daan patungo sa isang Pilipinas na napakikinggan ang bawat Pilipino, nangingibabaw ang tama at totoo at talagang nasa mamamayan ang kapangyarihan. Mabuhay ang demokrasya! Mabuhay ang Pilipinas,” dagdag pa niya.
Sa darating na Linggo, Pebrero 25, ang nakatakdang araw para sa paggunita ng EDSA People Power Revolution na nagpabagsak sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Matatandaan namang hindi nakasama ang anibersaryo ng EDSA sa inilabas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na listahan ng mga holiday para sa 2024.
Paliwanag naman ng Office of the President kamakailan, hindi umano nakasama ang anibersaryo ng EDSA sa special non-working days dahil natapat daw ang Pebrero 25 sa araw ng Linggo.
https://balita.net.ph/2023/10/13/op-may-pahayag-sa-di-pagsama-sa-edsa-anniversary-sa-holidays-para-sa-2024/