Haharapin ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei sa Linggo para sa final event ng serye ng first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Dahil dito, inaasahang magpapakitang-gilas muli ang National team sa pangunguna ni Kai Sotto, katulong si Justin Brownlee.

Nitong Huwebes, pinatumba ng Gilas ang Hong Kong, 94-64.

"We were quite surprised. I thought we came out a little tentative but in the second half, we kind of relaxed a little bit, played better, defended better, and [have] done a little bit of a run," ani Gilas head coach Tim Cone sa pulong balitaan nitong Pebrero 22.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Naging malaking tulong aniya ang Pinoy fans sa Hong Kong kaya't naiuwi nila ang panalo.

"Our crowd helped us gain some momentum and we were lucky to get a run and take it through," ani Cone.

Inaasahang magpapakitang-gilas sa Linggo si Brownlee dahil gaganapin ang laro sa PhilSports Arena.

Nitong Biyernes, dumating na sa bansa ang Chinese Taipei.