Isang magnitude 4.6 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng tanghali, Pebrero 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:19 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 148 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 139 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang kanina lamang 8:51 ng umaga nang yanigin din ang Jose Abad Santos, Davao Occidental ng magnitude 4.5 na lindol.