Pinagsuspetsahan umano ng mga netizen na ang aktres na si Ria Atayde raw ang tinutukoy sa isang blind item na kumakalat ngayon sa X.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” nitong Huwebes, Pebrero 22, tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa bagay na ito.

Ang nasabing blind item ay tungkol umano sa aktres na nabuntis ng aktor. Ang nasabing aktres ay may kapatid at inang artista. 

Tanong tuloy ni Mama Loi: “Si Ria kaya ‘yon?” 

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

“Well, maraming nagtuturo doon sa mga comment section. Puro si Ria ang tinuturo dahil nga nag-announce sila ng engagement,” saad ni Ogie.

Bukod sa nabanggit na engagement, si Ria ay anak ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez at kapatid ni award-winning actor Arjo Atayde.

“So alam mo, kung sakali man na ito ay totoo, hindi naman tayo para magtaka pa. Una, babae ‘yan [...] At saka nasa edad na si Ria. Hindi na sila mga minor para ipaalala pa sa kanila ang mga pros and cons ng pag-aasawa at pagbubuntis.

Dagdag pa ni Ogie: “Kung sakali mang totoo, bakit tayo mag-a-announce? Hayaan natin sila ang mag-announce no’n kung sakaling totoo na. Ibigay natin ‘yong moment na ‘yon.”

Matatandaang nitong Pebrero 23 inanunsiyo ni Ria ang tungkol sa kanilang engagement ni Zanjoe sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Zanjoe Marudo, Ria Atayde engaged na!

Masaya naman ang kapatid niyang si Arjo Atayde para sa engagement nila ni Zanjoe. 

MAKI-BALITA: Arjo Atayde, masaya sa engagement ng kapatid na si Ria