Tila hindi nagustuhan ni “Linlang” star Paulo Avelino ang hirit ng isang netizen kaugnay sa pamimirata ng mga pelikula at teleserye.
Sa X post kasi ng kaniyang “Linlang” co-star na si Kim Chiu, nakipag-deal siya kay Paulo nang umabot sa mahigit 2 milyong views sa loob lang 14 na oras ang official trailer ng kanilang Filipino adaptation na “What’s Wrong With Secretary Kim.”
“😱 2M views in less than 24hours boss @mepauloavelino paano ba yan? I think ikaw naman ang sumayaw sa next tiktok ako naman ang mag chips! 😎 deal??? #WWWSK this march 2024 only on @Viu_PH,” saad ni Kim
Sagot ni Paulo: “Kung walang pirata na lumabas ng WWWSK paglabas sa
@Viu_PH. Kung meron kahit isa... Pass na ako. 🙃”
Isang netizen ang biglang humirit at nagsabing: “Hahaha 😂 imposible yan 😅 @mepauloavelino”
Sey tuloy ng aktor: “Bakit naman po imposible? Industriya po namin ang nalulugi sa pamimirata ng mga tv show o pelikula.”
“Hindi lang po kabuhayan namin ang apektado kundi pati na rin ang kabuhayan ng lahat ng taong nagta-trabaho sa likod ng camera,” aniya pa
“Hindi niyo sila nakikita o kilala pero apektado rin sila. ‘Wag niyo pong gawing normal ang pamimirata ng mga palabas,” dugtong pa niya.
Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga ibinahaging komento:
“Kuya Pau, good girl po ako namimigay pa po ako Viu Pass para di sila manood sa pirate sites at mas maganda experience pag naka 4K resolution oms 😝”
“Tama naman sinabi ni @mepauloavelino kasi paano nga kikita ng tama ang mga nag produce ng mga series at movies kung laging may mamimi rata ng ginagawa nilang shows. Malulugi Ang mga mag produce marami silang mga taong binabayaran sa staff, crews, actors, at marami pang iba.”
“yes! and as fans, we will try our hardest to report those who will repost/pirate WWWSK ☺️”
“Nagulat nman ako sa haba ng tweet nio po. Haha ang strict talaga ni VC eh. Pero kay
@prinsesachinita na kami makikiusap siya na bahala haha diba po? 😁”
“Tama Yan Kay Paulo. Kaya sa ViU lang dapat manood”
“Pero sana un mga nasa production higpitan din ,hindi sa namimintang ako tulad nun linlang di pa nga napapalabas sa prime may nauna na sa fb and tiktok.sorry pero true un”
Nakatakdang ipalabas ang “What’s Wrong With Secretary Kim” sa darating na Marso ngayong taon.
Nauna nang ipinasilip ng online streaming platform na Viu Philippines ang Filipino adaptation ng sikat na K-Drama.
MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’