Isang pasabog ang isiniwalat ni showbiz insider Jobert Sucaldito tungkol sa ex-celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa latest episode ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” nitong Huwebes, Pebrero 22, ikinuwento ni Jobert ang tungkol sa Zoom meeting na dinaluhan umano ni Dominic kamakailan.

“There is a Zoom meeting—a Zoom meeting—na dinaluhan si Dominic very recently. At habang nagzo-Zoom meeting siya, mayroong sa likod na boses na nagsalita. Boses ni Bea,” lahad ni Jobert.

“I’m not confirming na si Bea ang nagsalita,” pasubali niya.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“Anong sinabi niya, Nay?” tanong ng co-host niyang si Chaps Manansala.

Sagot ni Jobert: “‘Hon, gusto mo ba ng tacos?’ So, si Dominic medyo nataranta. Kasi he was in a Zoom meeting, e. Syempre may mga kausap siya. Ang ginawa niya agad, minute niya ang kaniyang phone.”

Kaya naman, palaisipan talaga sa dalawang host kung sino ang “Hon” na tinukoy umano ni Dominic sa nasabing Zoom meeting. 

“Agad-agad may girlfriend siyang bago?” reaksiyon ni Chaps.

“Di ba? Agad-agad naka-move on na siya, may girlfriend siyang bago? Wala tayong nababalitang ganyan. Di ba si Bea is in Singapore baka malay mo nakabalik na,” hula naman ni Jobert.

Sa ngayon, ito raw ang bagong development tungkol sa kuwento nina Bea at Dominic. Pero dahil wala pang inilalabas na pahayag ang dalawa upang kumpirmahin o pabulaanan ang tungkol sa balitang ito, mukhang maghihintay na naman ang madla kung kailan sila magsasalita tungkol dito.

Matatandaang kinumpirma ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang hiwalayan nina Bea at Dominic sa kaniyang programa noong Pebrero 6. 

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!