Nagbigay ng reaksiyon si Senador Robin Padilla hinggil sa mga netizen na bumatikos sa kaniyang asawang si Mariel Padilla matapos itong mag-glutathione drip session sa loob ng kaniyang opisina sa Senado.
“Nakakatawa naman po ang political isyu na ‘yan. My goodness. Kung may nakita po silang masama sa larawan na ‘yan, paumanhin po. No intention of disrespect,” ani Robin sa isang pahayag na inulat ng ABS-CBN nitong Biyernes, Pebrero 23.
“My wife loves to promote good looks and good health. Natatawa talaga ako,” dagdag pa niya.
Matatandaang nakatanggap ng pagbababatikos mula sa ilang mga netizen si Mariel dahil sa kaniyang Instagram post na nagpapakita ng kaniyang drip session sa opisina ni Robin.
“Drip anywhere is our motto! Hehehe I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office. Hehe I never miss a drip because it really helps in so many ways. A collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and 50000 much more! So convenient and really effective, magaling talaga,” ani Mariel sa kaniyang post noong Miyerkules, Pebrero 21.
Hindi naman ito nagustuhan ng netizens dahil “very inappropriate” at “disrespectful” daw ito.
Narito ang ilang mga naging komento ng netizens:
“Di na nag-iisip, makapag-promote lang...”
“Allowed po ba ito? Senate official seal used to endorse a product?”
“So feeling talaga nila pag-aari nila ang mga opisina na mula sa buwis ng taumbayan.”
“Is this the type of imagery you want to convey to the Filipino public?”
Burado na ang naturang post ni Mariel matapos itong umani ng pambabatikos.