Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Occidental Mindoro nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:00 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 22 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 115 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.