Mapapanood na sa Netflix ang highest grossing film sa bansa na "Rewind,” na pinagbibidahan nina Primetime King Dingdong Dantes at Primetime Queen Marian Rivera, sa darating na Marso 25.

Kinumpirma ito mismo ng Netflix sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong Huwebes, Pebrero 22.

“Sa susunod na habang buhay…ay mapapanood niyo na ang Rewind, starring Marian Rivera and Dingdong Dantes, sa Netflix! Arriving on March 25,” pag-announce ng Netflix.

Sa direksyon ni Mae Cruz Alviar, ang “Rewind” ay isang Star Cinema film na kasama sa mga official entry ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kita ng Rewind, malapit nang mag-₱1 bilyon

Matatandaang inihayag ng Star Cinema kamakailan na ang nasabing film na ang “highest-grossing Filipino movie of all time” matapos itong tumabo ng halos isang bilyon.

Tinalbugan ng pelikula ang kinita ng “Hello Love Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards noong 2019 na ₱881 million.

Dahil din sa “Rewind,” kinilala si Dingdong, kasama si “Mallari” star Piolo Pascual, bilang “Best Actor” sa kauna-unahang Manila International Film Festival (MIFF) sa Los Angeles, California.

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/02/16/kabaong-ni-dingdong-dantes-sa-rewind-naibenta-sa-halagang-%e2%82%b1250k/