Kahit tapos na ang Valentine’s Day, tila love is in the air pa rin para sa First Couple matapos mag-share ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang larawan ng kanilang date ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Pebrero 21, makikita ang isang picture kung saan nakangiti sa isa’t isa ang First Couple pagtapos ng kanilang dinner date.

“Date night for the first couple,” caption ng pangulo sa kaniyang post.

Matatandaang sa isang Valentine’s Day vlog kamakailan, ibinahagi nila nina PBBM at Liza na sinisiguro nilang magkaroon ng date night tuwing araw ng Miyerkules.

PBBM, FL Liza Marcos nagbahagi ng tips upang mapanatili 'healthy, long-lasting relationship'

Nagbahagi rin ang First Couple ng tips upang mapanatili ang isang healthy at long-lasting relationship.

Sinagot din ni Liza ang katanungan ng netizens tungkol kung ano ang best quality ni PBBM.

https://balita.net.ph/2024/02/12/fl-liza-sa-asawang-si-pbbm-not-a-mean-soul-in-your-body/

Base sa website ng pangulo, taong 1988 nang magkakilala sina PBBM at Liza sa New York City noong nag-aaral at nagtatrabaho ang unang ginang bilang isang abogado.

Ikinasal sila noong Abril 17, 1993 sa San Francesco Convent sa Fiesole, Italy.